Friday, February 14, 2014

Masusing Banghay Aralin

Masusing Banghay Aralin sa Filipino IV

I.                    Layunin
Nakapagbibigay ng mga salitang maiuugnay sa salitang Katatakutan.
Natutukoy at nabibiyang kahulugan ang matatalinghagang salita sa kabanata.
Naipapaliwanag ang bisang pandamdamin at pang kaisipan ng kabanatang binasa.
II.                  Paksang Aralin
Paksa: El Filibusterismo Kabanata 28 Mga Katatakutan
Aklat: El Filibusterismo ni Salud  R. Enriquez pp.193- 198
Kagamitan: chalk, pisara,bola,cartolina

III.                Pamamaraan

                     Gawain ng Guro
                    Gawain ng Mag- aaral
A.Pagganyak

Magandang umaga klase
Magandang umaga din po Bb. Cruz
Pulutin ang mga kalat at isaayos ang mga upuan. Noong nakaraang araw ay tinalakay natin ang kabanata 27 Ang Prayle at ang Filipino, anu- ano ang mga natutuhan ninyo sa kabanatang ating tinalakay?

Ang kalagayan sa lipunan ng mga Prayle at Pilipino sa lipunang ginagalawan.
Salamat. Bago tayo dumako sa kabanatang ating tatalakayin nais kong ang bawat isa ay magkaroon ng partisipasyon para sa gawain natin ngayon.

B.Paghahanda

Magbigay ng mga pelikulang napanood na ninyo na katatakutan at ipahayag ang mga naramdaman ninyo habang pinapanood ito

Patayin sa sindak si Barbara, natakot
Basahin ang nakasulat sa pisara
Katatakutan




Magbigay ng mga salitang maiuugnay sa salitang katatakutan
Nakatitindig balahibo,nakakagulat, nakakakilabot
Bumuo ng pahayag gamit ang mga salitang iniugnay sa salitang katatakutan
Ang katatakutan na pinanood ay nakakatindig balahibo, nakakagulat at talaga namang nakakakilabot.
Isaayos ang mga letra nakagulo upang makabuo ng salita at ibigay ang kasing kahulugan nito.
1.gunaluminanha


2.baghaan


3.ngilanangibotpaka


4.duksulna


5.kipagtunpaggaliki
     


Nagulumihana- naguluhan
Nagulumihana sina Chichoy at ang maestro platero.    
Nahabag – naawa
Nahabag si Benzayb sa kanyang nakitang bangkay.   
Nakapangingilabot- nakakatakot
Nakapangingilabot ang mga balitang kumakalat.
Sukdulan- sobra
Sukdulan ang katatakutan ng kinagabihan sa isang binyagan.    
Pakikipagtunggali- pakikipagtalo
Hindi maiwasan ang pakikipagtunggali ng military sa katabing lalaki.                                                                                                                                                                                                         
C.Pagtalakay

Pangkatang Gawain
Pagbubuod
Hahatiin ang klase sa limang pangkat. Bawat pangkat ay may nakatalagang larawan na bibigyan ng hinuha hinggil sa ipinapahayag ng larawan.

D.Paglalapat
Ano ang damdaming nangingibabaw sa kabanata?Ipaliwanag


Sa inyong palagay dapat ba tayong matakot sa kamatayan? Ipaliwanag

Ang damdaming nangibabaw ay ang pagkaawa sapagkat sa kalagayang sinapit ni Kapitan Tiyago na napadali ang kanyang kamatayan.
Hindi po, sapagkat lahat ng tao ay mamamatay.







IV.                Ebalwasyon
Sa kalahating bahagi ng papel sagutan ang mga katanungan
Bakit napadali ang pagkamatay ni Kapitan Tiyago?
Isalaysay ang nangyari sa mga pook na sumusunod:
a .sa simbahan
b.sa isang arabal
c.sa Ermita
d.sa Dalumbayan
      V.          Takdang Aralin

Magbigay ng mga kilalang tao na may mararangyang libing at ibahagi sa klase ang mga bagay na napansin dito.

1 comment: