Friday, February 14, 2014


Mala- Masusing Banghay- Aralin
Sa Filipino IV
I.              Layunin

Sa pagtatapos ng aralin, 80% ng mga mag-aaral ay :

a.    Nabibigyang-kahulugan ang mga piling pahiwatig, pahayag na ginamit sa akda.
b.    Napipili ang mga pangyayari sa akda na nagpapakita ng kaasalang dapat sundin ng isang tao.
c.    Nasusuri ang kabanata batay sa teoryang humanismo.

II.            Paksang- Aralin

Paksa : Pagbasa at Pagsusuri sa Nobelang Tagalog sa Teoryang Humanismo
Akd :: “ Titser “ ( Kabanata I )
May- akda : Liwayway A. Arceo
Genre : Nobela
Mga Kagamitan : Laptop, USB w/ video clips at mga kgamitang biswal
Sanggunian : Tagumpay IV ni Rolando A. Bernales
                       Pahina 359-364
Halagang Pangkatauhan : Koopersyon, Pagkamalikhain at Pagtitiyaga

III.           Pamamaraan

A.    Panimulang Gwain
1.Panalangin
2.Pagbati
3.Pagsasaayos ng silid
4.Pag uulat ng liban

B.    Pagbabalik tanaw
Ibuod ang binasang Kabanata 1 ng nobelang  “ Titser “.

C.   Pagganyak
1.    Pagpapanood ng isang video clip na pinamagatang “ Si Ma’am ”.
2.    No ang naramdaman ninyo matapos matunghayan ang video clip?
3.    Paano ninyo maiuugnay ang video clip sa akdang ating binasa kahapon?


D.   Paglalahad

Sa araw na ito ipagpapatuloy natin ang pagsusuri sa nobelang “ Titser “ ni Liwayway A. Arceo.

Ano ba ang Teoryang Humanismo
Teoryang Humanismo- ito ay ang pananaw na nagbibigay diin dignidad at                    
  kahalagahan ng isang indibidwal.
  Isang basikong saligan ng humanism ang paniniwalang  
  ang tao ay may niikhang rasyonal na taglay sa kanilang
  sarili ang kapasidad para sa katotohanan at kabutihan.

·         Magbanggit ng bahagi sa nobela na nagpapatunay sa teoryang ito.

E.    Pangkatang Gawain

1.    Panunuring Panglingguwistika : Pangkat 1

a.    Pagpili ng mga pahayag na nagtataglay ng pahiwatig.
b.    Pagbibigay ng kahulugan sa mga napili.
c.    Pagbibigay ng tiyak na halimbawa.



PAHAYAG


KAHULUGAN

HALIMBAWA

1.



2.



3.



4.



5.











2.    Panunuring Pangnilalaman : Pangkat 2

Pagpapapili ng mga ispesipikong pangyayari sa kabanata na naglalantad ng tunay na katangian ng mga tauhan sa pamamagitan ng kilos at salita sa loob ng kabanata.( Isagawa sa pamamagitan ng dula- dulaan )

3.    Pagsusuring Pampanitikan : Pangkat 3
a.    Pagtukoy sa mga katangian, iba’t  ibang damdamin at saloobin ng mga tauhan sa akda.

   CHARACTER WEB O HABI NG TAUHAN
 








                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                     





F.    Pangwakas na Gawain : Debate

·         PAKSA : Dapat bang makialam ang magulang sa pagpili ng kurso o propesyon ng kanilang anak? Pangatwiranan.





IV.          Ebalwasyon

Panuto: Tukuyin ang mga tauhan batay sa kanilang pahayag.
1.    “ Bakit, ito bang ginagawa ko, e para sa sarili ko lang? Hindi ba para sa kanya”?
2.    “ Nasisiyahan naman ako sa pagtuturo, Inang!”
3.    “ O, e ano’ng ng nangyari’t ganyan na naman ang mukha mo? Hindi raw ba siya sasama?”
4.    “ Inang, kailangang malaman ni Osmundo ngayon na…na hindi maaari….”
5.    “ Talagang pinaka gaga ka sa lahat ng anak ko ang isang ‘to, oo! Maaari namang kumuha kahiyt anong mabuti- buting karera…nagpilit na maging titser lang!

V.            Takdang Aralin :
Gumupit ng larawan hinggil sa gusto mong propesyon. Idikit ito sa oslo paper at sa ibaba, isulat ang mga hakbang na gagawin mo para matagumpayan ito.
                                                                                               







                                                 

No comments:

Post a Comment