Friday, February 14, 2014

Mahabang Pagsusulit
Filipino IV
Pangalan :                                                           Taon at Pangkat :                        Marka :
I.Panuto : Piliin ang teoryang pampanitikang angkop na gamitin sa pagsusuri ng mga sumusunod na akda. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.
A.Romantisismo                      C.Humanismo             E. Eksistensyalismo    
B.Sosyolohikal                         D.Realismo                  F.Naturalismo G.Formalismo
            1.Pusong Walang Pag- ibig                                         4.Timawa
            2.Maganda pa ang Daigdig                                        5.Ang Tundo man may Langit din
            3.Pinaglahuan
II.Tukuyin ang mga tauhan batay sa kanilang pahayag. Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.
A.Andres          D.Victor           G.Kabo Lontoc                 M.Mang Lino
B.Alma               E.Alice             H.Bill                                        K.Danding        
C.Miss Sanchez   F.Loleng          I.Alma                           L.Luis
             6.” At ako, sa harap ng ganyang sigalot ay nalilito. Iniibig ko ang aking magulang  at iniibig din nman kita”.
             7. “ Maski saan,kapirasong bubong, isang patak ng hamog at ako’y may bahay na, may pagkain at inumin. Langit na sa akin ng makatalik ka sa lahat ng bagay”.
             8. “Hahanapin ko ang anak ko, kahit saan ako makarating”.
             9. “ Bigyan ninyo kami ng kaunting panahong makausap muna naming si Mang Lino”.
             10. “Ang karanasan ang nagturo sa akin niyan. Ang madalas na mauntog ay natututong yumuko”.
             11. “ Ingatan mo ito at pakamahalin alang- alang sa nakaraan, sa iyong ina at sa akin!”
             12. “ Naku, lumalalim na ang salitaan at hindi bumababaw”.
             13. “ Pagka buhay ka lamang, Itay, hindi ako ma aano, hindi ako matatakot! Oo, Itay! Maski hindi na ako kumain, Itay!”


             14.” Nagkakahawig pala ng kalokohan, maging ang mga batang Amerikano o Pilipino”.
             15. “ Laban sa ganyang paggahasa ng iyong ama ay kagahasaan din ang paglaban.  Magtanan   tayo, lumayo rito at sarilinin an gating palad.”
III. Tukuyin ang kasing kahulugan ng mga salitang nasa hanay A sa mga salitang nasa hanay B. Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot
HANAY A                                                                     HANAY B
               16. Hampas lupa                                                                  A.Hinagpis
               17.Nakaririwasa                                                                   B.Masawata
               18. Arabal                                                                            C.Nagtitiis
               19.Simbuyo                                                                          D. Dukha
               20.Himutok                                                                          E. Maisip
               21. Balana                                                                            F. Nayon
               22. Malirip                                                                           G. Nakaaangat
               23. Maantala                                                                       H. Mapigilan
               24. tikis                                                                                 I.Udyok
               25. Maapula                                                                         J. Madla
                                                                                                            K.Agresibo
IV.Isulat sa patlang ang tinutukoy ng bawat aytem.
                 26.Isang mahirap na estudyante, tagahugas ng pinggan sa ladies dormitory sa isang unibersidad sa Amerika
                 27. Siya ang may akda ng Ang Tondo man may Langit Din
                 28. Nagkawanggawa na lingapin si Ernesto.
                29. Sumulat na nobelang Timawa.
                30. Napag utusan na dakpin si Lino.
                31.Siya ang may akda ng Maganda pa ang Daigdig.


                32. Dalagang ipinagkasundo ng mga magulang para pakasalan ang anak ni Don NIcanor Gutierres.
                 33.Nagbayad ng isang taong upa sa bahay ng mag asawang Victor at Alma.
                 34. May akda ng Pinaglahuan.                                                                                 35.Si Lino ang sinisimbolo ng mga tao sa lipunan na                                                                                
V. Ipaliwanag ang mgasumusunod na  pahayag. ( 5 puntos ) sa bawat pagpapaliwanag.
36-40.  Pinaglahuan
“ Sila ang aking pangalawang Dios dito sa lupa at bago ko sirain ang ganitong tadhana ng aking pananampalatayang kinagisnan ay ibig ko munang mamatay.”

41-45 Maganda pa ang Daigdig
“Huwag kang hihiwalay sa nalalaman mong mabuti,kahit ka mamatay. Naniniwala akong may langit at impyerno sa kabilang buhay. Ngunit gumawa ka ng mabuti, hindi sapagkat may langit kundi sapagkat mabuti ang mabuti. Huwag kang gagawa ng masama. Iyan lamang ang nakikita kong landas para sa mga taong may dangal at kahihiyan.”

46-50 Tundo man ay may Langit Din

“ Ang langit ko’y ikaw; ikaw ang langit ng aking langit ng aking bagong daigdig, daigdig na nasa Tundo ay nasa iyo.” 

Masusing Banghay Aralin

Masusing Banghay Aralin sa Filipino IV

I.                    Layunin
Nakapagbibigay ng mga salitang maiuugnay sa salitang Katatakutan.
Natutukoy at nabibiyang kahulugan ang matatalinghagang salita sa kabanata.
Naipapaliwanag ang bisang pandamdamin at pang kaisipan ng kabanatang binasa.
II.                  Paksang Aralin
Paksa: El Filibusterismo Kabanata 28 Mga Katatakutan
Aklat: El Filibusterismo ni Salud  R. Enriquez pp.193- 198
Kagamitan: chalk, pisara,bola,cartolina

III.                Pamamaraan

                     Gawain ng Guro
                    Gawain ng Mag- aaral
A.Pagganyak

Magandang umaga klase
Magandang umaga din po Bb. Cruz
Pulutin ang mga kalat at isaayos ang mga upuan. Noong nakaraang araw ay tinalakay natin ang kabanata 27 Ang Prayle at ang Filipino, anu- ano ang mga natutuhan ninyo sa kabanatang ating tinalakay?

Ang kalagayan sa lipunan ng mga Prayle at Pilipino sa lipunang ginagalawan.
Salamat. Bago tayo dumako sa kabanatang ating tatalakayin nais kong ang bawat isa ay magkaroon ng partisipasyon para sa gawain natin ngayon.

B.Paghahanda

Magbigay ng mga pelikulang napanood na ninyo na katatakutan at ipahayag ang mga naramdaman ninyo habang pinapanood ito

Patayin sa sindak si Barbara, natakot
Basahin ang nakasulat sa pisara
Katatakutan




Magbigay ng mga salitang maiuugnay sa salitang katatakutan
Nakatitindig balahibo,nakakagulat, nakakakilabot
Bumuo ng pahayag gamit ang mga salitang iniugnay sa salitang katatakutan
Ang katatakutan na pinanood ay nakakatindig balahibo, nakakagulat at talaga namang nakakakilabot.
Isaayos ang mga letra nakagulo upang makabuo ng salita at ibigay ang kasing kahulugan nito.
1.gunaluminanha


2.baghaan


3.ngilanangibotpaka


4.duksulna


5.kipagtunpaggaliki
     


Nagulumihana- naguluhan
Nagulumihana sina Chichoy at ang maestro platero.    
Nahabag – naawa
Nahabag si Benzayb sa kanyang nakitang bangkay.   
Nakapangingilabot- nakakatakot
Nakapangingilabot ang mga balitang kumakalat.
Sukdulan- sobra
Sukdulan ang katatakutan ng kinagabihan sa isang binyagan.    
Pakikipagtunggali- pakikipagtalo
Hindi maiwasan ang pakikipagtunggali ng military sa katabing lalaki.                                                                                                                                                                                                         
C.Pagtalakay

Pangkatang Gawain
Pagbubuod
Hahatiin ang klase sa limang pangkat. Bawat pangkat ay may nakatalagang larawan na bibigyan ng hinuha hinggil sa ipinapahayag ng larawan.

D.Paglalapat
Ano ang damdaming nangingibabaw sa kabanata?Ipaliwanag


Sa inyong palagay dapat ba tayong matakot sa kamatayan? Ipaliwanag

Ang damdaming nangibabaw ay ang pagkaawa sapagkat sa kalagayang sinapit ni Kapitan Tiyago na napadali ang kanyang kamatayan.
Hindi po, sapagkat lahat ng tao ay mamamatay.







IV.                Ebalwasyon
Sa kalahating bahagi ng papel sagutan ang mga katanungan
Bakit napadali ang pagkamatay ni Kapitan Tiyago?
Isalaysay ang nangyari sa mga pook na sumusunod:
a .sa simbahan
b.sa isang arabal
c.sa Ermita
d.sa Dalumbayan
      V.          Takdang Aralin

Magbigay ng mga kilalang tao na may mararangyang libing at ibahagi sa klase ang mga bagay na napansin dito.

Mala- Masusing Banghay- Aralin
Sa Filipino IV
I.              Layunin

Sa pagtatapos ng aralin, 80% ng mga mag-aaral ay :

a.    Nabibigyang-kahulugan ang mga piling pahiwatig, pahayag na ginamit sa akda.
b.    Napipili ang mga pangyayari sa akda na nagpapakita ng kaasalang dapat sundin ng isang tao.
c.    Nasusuri ang kabanata batay sa teoryang humanismo.

II.            Paksang- Aralin

Paksa : Pagbasa at Pagsusuri sa Nobelang Tagalog sa Teoryang Humanismo
Akd :: “ Titser “ ( Kabanata I )
May- akda : Liwayway A. Arceo
Genre : Nobela
Mga Kagamitan : Laptop, USB w/ video clips at mga kgamitang biswal
Sanggunian : Tagumpay IV ni Rolando A. Bernales
                       Pahina 359-364
Halagang Pangkatauhan : Koopersyon, Pagkamalikhain at Pagtitiyaga

III.           Pamamaraan

A.    Panimulang Gwain
1.Panalangin
2.Pagbati
3.Pagsasaayos ng silid
4.Pag uulat ng liban

B.    Pagbabalik tanaw
Ibuod ang binasang Kabanata 1 ng nobelang  “ Titser “.

C.   Pagganyak
1.    Pagpapanood ng isang video clip na pinamagatang “ Si Ma’am ”.
2.    No ang naramdaman ninyo matapos matunghayan ang video clip?
3.    Paano ninyo maiuugnay ang video clip sa akdang ating binasa kahapon?


D.   Paglalahad

Sa araw na ito ipagpapatuloy natin ang pagsusuri sa nobelang “ Titser “ ni Liwayway A. Arceo.

Ano ba ang Teoryang Humanismo
Teoryang Humanismo- ito ay ang pananaw na nagbibigay diin dignidad at                    
  kahalagahan ng isang indibidwal.
  Isang basikong saligan ng humanism ang paniniwalang  
  ang tao ay may niikhang rasyonal na taglay sa kanilang
  sarili ang kapasidad para sa katotohanan at kabutihan.

·         Magbanggit ng bahagi sa nobela na nagpapatunay sa teoryang ito.

E.    Pangkatang Gawain

1.    Panunuring Panglingguwistika : Pangkat 1

a.    Pagpili ng mga pahayag na nagtataglay ng pahiwatig.
b.    Pagbibigay ng kahulugan sa mga napili.
c.    Pagbibigay ng tiyak na halimbawa.



PAHAYAG


KAHULUGAN

HALIMBAWA

1.



2.



3.



4.



5.











2.    Panunuring Pangnilalaman : Pangkat 2

Pagpapapili ng mga ispesipikong pangyayari sa kabanata na naglalantad ng tunay na katangian ng mga tauhan sa pamamagitan ng kilos at salita sa loob ng kabanata.( Isagawa sa pamamagitan ng dula- dulaan )

3.    Pagsusuring Pampanitikan : Pangkat 3
a.    Pagtukoy sa mga katangian, iba’t  ibang damdamin at saloobin ng mga tauhan sa akda.

   CHARACTER WEB O HABI NG TAUHAN
 








                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                     





F.    Pangwakas na Gawain : Debate

·         PAKSA : Dapat bang makialam ang magulang sa pagpili ng kurso o propesyon ng kanilang anak? Pangatwiranan.





IV.          Ebalwasyon

Panuto: Tukuyin ang mga tauhan batay sa kanilang pahayag.
1.    “ Bakit, ito bang ginagawa ko, e para sa sarili ko lang? Hindi ba para sa kanya”?
2.    “ Nasisiyahan naman ako sa pagtuturo, Inang!”
3.    “ O, e ano’ng ng nangyari’t ganyan na naman ang mukha mo? Hindi raw ba siya sasama?”
4.    “ Inang, kailangang malaman ni Osmundo ngayon na…na hindi maaari….”
5.    “ Talagang pinaka gaga ka sa lahat ng anak ko ang isang ‘to, oo! Maaari namang kumuha kahiyt anong mabuti- buting karera…nagpilit na maging titser lang!

V.            Takdang Aralin :
Gumupit ng larawan hinggil sa gusto mong propesyon. Idikit ito sa oslo paper at sa ibaba, isulat ang mga hakbang na gagawin mo para matagumpayan ito.